Philippines Environmental News
SEE OTHER BRANDS

Get your environment news from Philippines

Erwin Tulfo, suportado ang panukala ng DSWD na amyendahan ang 4Ps Law

PHILIPPINES, August 1 - Press Release
August 1, 2025

ERWIN TULFO, SUPORTADO ANG PANUKALA NG DSWD NA AMYENDAHAN ANG 4PS LAW

Senator Erwin Tulfo on Thursday committed to discuss the implementation of Republic Act No. 11310 or the law that institutionalized the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) for possible amendment.

The neophyte senator said this after a consultative meeting with Social Welfare Secretary Rex Gatchalian and other officials of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) just two days after he was elected as the chairperson of the Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development

"Meron silang binigay sa amin na mga bills about 4Ps na nabanggit nga ng Pangulo sa SONA. So, unahin naming pag-aralan 'yun. May mga adjustments, maganda 'yung suggestions ni Secretary na talagang makakatulong sa lahat naman," Tulfo said.

Among the concerns that Tulfo will scrutinize is the number of 4Ps beneficiaries who are receiving cash grants from the government even though their lives have already improved.

"Gusto ng Pangulo, pag-aralan na talaga. Kasi medyo na-abuso 'yung 4Ps. Merong iba dyan na sobra-sobra na yung panahon nila. Pwede yung iba naman na pumasok. Kasi may mga backlog pa tayo. May mga nasa waiting list," Tulfo, a former DSWD secretary, said.

"Gagawa kami ng legislation hinggil diyan sa 4Ps na 'yan. I think it's really high time that we look into this. Kasi unfair naman dun sa iba na we just keep on feeding this group of people. Paano naman yung iba?" he added.

Apart from this, the DSWD has proposed an amendment which will remove the existing seven-year limit for beneficiaries to receive assistance from the government.

Gatchalian informed the senator that if the 4Ps law is not amended, there will be around 2.4 million beneficiaries who will be forced to exit the program even though their living conditions have not yet improved.

Other proposals that were discussed include the creation of an entrepreneurship program for low-income households, social interventions for the elderly, and the institutionalization of existing DSWD programs such as the Sustainable Livelihood Program and Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS), among others.

Tulfo also expressed support for the DSWD building's rehabilitation during his visit to his former office, which was gladly welcomed by Gatchalian.

"Hindi ko na nga kailangan buksan yung bibig ko. Nung nakita niya yung anyo ng opisina. Kasi alam naman natin na pinaka-isa ito sa matatandang departamento, pagbaba pa lang sinabi na ni Sen. Erwin, 'Padala mo sa akin yung costing ng building,'" Gatchalian said.

Should additional budget be given to the DSWD, Gatchalian said it will capacitate their social workers and boost the morale of the agency.


ERWIN TULFO, SUPORTADO ANG PANUKALA NG DSWD NA AMYENDAHAN ANG 4PS LAW

Nangako si Senador Erwin Tulfo nitong Huwebes na pangungunahan niya ang pagsusuri ng Republic Act No. 11310, ang batas na nag-institusyonalisa sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ipinahayag ito ng senador sa isang pagpupulong kasama si DSWD Secretary Rex Gatchalian at iba pang opisyal ng ahensya dalawang araw matapos siyang italaga bilang chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development.

"Meron silang binigay sa amin na mga panukalang batas tungkol sa 4Ps na nabanggit nga ng Pangulo sa SONA. Kaya unahin naming pag-aralan iyon. May mga adjustments, maganda 'yung mga suhestiyon ni Secretary na talagang makakatulong sa lahat," ani Tulfo.

Isa sa mga isyu na susuriin ni Tulfo ay ang bilang ng mga benepisyaryo ng 4Ps na patuloy na tumatanggap ng cash grants mula sa gobyerno kahit gumanda na ang kanilang pamumuhay.

"Gusto ng Pangulo, pag-aralan na talaga. Kasi medyo naaabuso 'yung 4Ps. Merong iba diyan na sobra-sobra na ang tagal nila. Pwede namang bigyan ng pagkakataon yung iba na pumasok, lalo't may backlog pa tayo at may mga nasa waiting list," sabi pa ni Tulfo, dating kalihim ng DSWD.

"Gagawa kami ng batas tungkol diyan sa 4Ps. Sa tingin ko, panahon na para pag-aralan ito. Kasi hindi naman patas dun sa iba na patuloy lang nating binibigyan itong grupo ng tao. Paano naman yung iba?" dagdag pa niya.

Bukod dito, iminungkahi ng DSWD na aalisin ang kasalukuyang pitong-taong limitasyon para sa pagtanggap ng tulong mula sa gobyerno sa ilalim ng 4Ps.

Ipinabatid ni Gatchalian kay Tulfo na kung hindi maaamyendahan ang 4Ps law, mayroong humigitkumulang 2.4 milyong benepisyaryo ang mapipilitang umalis sa programa kahit hindi pa gumaganda ang kanilang kalagayan.

Ang iba pang mga panukalang natalakay sa pagpupulong ay ang paglikha ng entrepreneurship program para sa mga low-income households, mga social intervention para sa mga matatanda, at ang pagsasabatas ng mga umiiral nang programa ng DSWD gaya ng Sustainable Livelihood Program at Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KalahiCIDSS), at iba pa.

Ipinahayag din ni Tulfo ang suporta niya para sa rehabilitasyon ng gusali ng DSWD sa kanyang pagbisita sa dati niyang opisina, na labis namang ikinatuwa ni Gatchalian.

"Hindi ko na nga kailangan buksan yung bibig ko. Nang makita niya yung itsura ng opisina. Kasi alam naman natin na isa ito sa pinakamatandang departamento, pagbaba pa lang sinabi na ni Sen. Erwin, 'Padala mo sa akin yung costing ng building,'" ani Gatchalian.

Kung madaragdagan ang budget para sa DSWD, sinabi ni Gatchalian na mas mapapalakas nito ang kakayahan ng kanilang mga social worker at mapapataas ang morale ng ahensya.

Legal Disclaimer:

EIN Presswire provides this news content "as is" without warranty of any kind. We do not accept any responsibility or liability for the accuracy, content, images, videos, licenses, completeness, legality, or reliability of the information contained in this article. If you have any complaints or copyright issues related to this article, kindly contact the author above.

Share us

on your social networks:
AGPs

Get the latest news on this topic.

SIGN UP FOR FREE TODAY

No Thanks

By signing to this email alert, you
agree to our Terms & Conditions